Huwebes, Marso 10, 2016

Mapayapang Lipunan

MGA TUNGKULING MAGBUBUNGA NG MAGANDANG LIPUNAN 

        Ang pagtatayo at pagbubuo ng ligtas, mapayapa, makatarungan, malinis at maunlad na sambayanan ay tunay na mahirap makamtan.
        Hindi ito matatamo sa ilang taon lamang. Bagama’t ito’y isang mahirap at mahabang proseso ay dapat natin itong pag-ukulan ng seryosong pansin, sapagkat ang makikinabang dito ay mga anak at salinlahi natin.
        Upang makamtan ang ganitong uri ng lipunan, dapat nating isipin na nasa ating mga kamay ang pagbubuo nito.
        Ang bawat mamamayan ay bahagi at haligi ng lipunan. Ang katayuan at kaanyuan ng lipunan ay larawan ng mga mamamayang bumubuo nito.
        Upang maging mabuting bahagi at matibay na haligi ng lipunan, kinakailangang magkaroon ng pagbabago sa ating sarili. Ito’y makakamtan sa pamamagitan ng pagkilala at pagtupad sa ating mga tunkuling bilang nilalang ng Diyos, miyembro ng lipunan at sanlibutan.
          Una. Tungkulin nating sumampalataya at gumalang sa Diyos.
          Pangalawa. Tungkulin nating maging responsable, kapakipakinabang at mapagkalingang miyembro ng lipunan, nirerespeto ang sarili, mapagmahal at aruga sa pamilya, matulungin sa kapwa, mapangalaga sa kalikasan at matapat sa bansa.
          Pangatlo. Tungkulin nating gawin ang mga bagay na inaasahan nating gagawin sa atin ng ating kapwa sa oras ng panganib, kagipitan at pangangailangan.
          Sa pamamagitan lamang ng pagtupad sa mga nabanggit na tungkulin makabubo tayo ng isang ligtas, mapayapa, makatarungan, malinis at maunlad na bansa, kung saan ang mga mamamayan ay may seguridad, dangal at pagkakataong paunlarin ang kanilang sarili.
          Sa pamamagitan lamang ng pagsasakatuparan sa mga nabanggit na tungkulin, makakamtan nating ang malinis, maayos, matapat, makatarungan at mapagkalingang pamahalaan.
          Gawin at tuparin natin ang mga nabanggit na tungkulin upang makamtan natin ang pinapangarap na lipunan. Gawin natin ito, para sa kaluwalhatian ng Diyos at alang-alang sa ating pamilya, kapwa at Inang Bayan.




Hasmin P. Montila

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento