Huwebes, Marso 10, 2016

Mapayapang Lipunan

Lipunan, Para Kanino nga Ba?

Nang likhain ng Diyos ang unang tao sa mundo, nakita Niya na hindi magiging maligaya at makabuluhan ang buhay nito kung walang makakasama. Dahil ditto nilikha Niya ang unang babae upang maging katuwang nito sa pagsasagawa ng misyong ninais ng Diyos para sa tao. Subalit hindi sapat na sila lamang dalawa. Pinagbilinan silang humayo at magpakarami. Sa paglipas ng panahon, dumami ang tao at dito na nagsimula ang pagkakaroon ng lipunan.
Ayon kay Aristotle, ang tao ay isang nilikhang panlipunan (social being). Totoo ito. Ang kalikasan natin ay nagpapakita na hindi sapat na matugunan lamang ang mga material na pangangailangan, mayroon ding mga di-materyal na pangangailangan na nararapat makamtan upang makamit ng tao ang kanyang kaganapan. Sabi nga ni Abraham Maslow, isang kilalang sikolohista na nagpakilala ng teorya ng mga pangangailangan ng tao (Hierarchy of human needs), mayroon tayong mga pangangailangang sekundarya tulad ng pangangailangang mapabilang, mahalin, igalang at kilalanin. Ipinapakita nito ang dimensyong panlipunan ng tao. Paano natin matutugunan ang mga pangangailangan ito? Sa pamamagitan ng lipunan.
Layunin ng Diyos na magkaroon ng lipunan upang ito ang maging daan sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat. Dahil iba’t-iba ang talino at lakas na kaloob ng Diyos sa tao, nangangailangan tayong makipag-ugnayan sa ating kapwa sa lipunan. May mga pangangailangan tayong maaari nilang matugunan at may mga pangangailangan din naman silang maaaring tayo ang makatutugon. Ayon kay Fr. De Torre, maaaring mauri ang lipunan sa dalawa, natural at artipisyal. Natural ang isang lipunan kung ito’y kusang naitatag dahil sa likas na pangangailangan ng tao, tulad ng pamilya at lipunan sibil (civil society). Artipisyal ang isang lipunan kung ang intension sa pagtatatag nito ay para sa kapakanan ng isang tiyak na pangkat. Ilang halimbawa nito ay ang paaralan, samahang pangnegosyo, non-governmental organizations at iba pa. May binaggit pang mga kahalagahan ng lipunan si fr. Michael Moga. Ayon sa kanya, sa lipunan nakakamit ng tao ang kahulugan ng kanyang mga pangarap, pakikipag-ugnayan, pagpapahalag, tungkulin at hamon (challenges).
Tingnan natin ang halimbawang ito, ang isang mag-aaral na nangangarap na makatapos sa pag-aara. Bakit nais niyang makatapos? Para sa kanyang sarili lamang ba? Hindi ba’t nais niyang makatulong sa kanyang pamilya? Anong pagpapahalaga ang dapat niyang linangin upang maisakatuparan ang pangarap na ito? Pagsisikap, pagsasakripisyo, pagmamahal sa pamilya. Ano ngayon ang kanyang gagawin upang makamit ito. Pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral at titiisin ang anumang mga pagsubok upang makamit niya ang kanyang pangarap. Saan nag-ugat ang kahulugan ng mga ito? Sa mga taong mahalaga sa kanya, mga taong bahagi ng lipunang kanyang ginagalawan.



hi ma'am si OMAYYAH OMBAWA po to nakigamit lang po ako sa account ni limpao..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento