LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT
“Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang”. Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila Univeristy, ang buhay ng tao ay panlipunan. Makikita ito sa kabuuan ng ating pag-iral bilang tao – sa ating pagsasagawa ng mga bagay na kailangan upang mahubog natin ang ating sarili. Ang ating
mga gawain ay panlipunan dahil natutuhan natin ito kasama sila. Ginagawa natin ito dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at iniaalay natin ito para sa ating kapwa. Halimbawa, ang
simpleng gawain na paglilinis ng ating bakuran ay hindi makakasanayang gawin ng isang bata kung hindi ito itinuro ng pamilya. Nakalakihan itong ginagawa ng pamilya nang tulongtulong. Mas nangingibabaw kaysa sa halaga ng mismong kalinisan ang pagsasama-sama at pagtutulungan. Bilang anak, alam mong iniaalay mo ang gawaing ito sa iyong mga
magulang dahil alam mong ito ay makapagpapasaya sa kanila at kasabay nito, nakapagaambag ang inyong pamilya sa kalinisan ng kapaligiran.

Kahit ang pagnanais na mapag-isa ay
panlipunan. Di ba, kaya minsan gusto mong mapagisa
ay dahil nagtampo ka sa isang tao o kaya naman
ay marami kang mga tanong sa iyong sarili na nais
mong masagot upang mas mapalago mo ang iyong
kakayahan na makipag-ugnayan sa iyong kapwa. Sa
gitna ng pag-iisa, isinasaalang-alang mo pa rin ang
iyong kapwa. Kung kaya, ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao (Dy, M., 1994). At ang pagiging kasama-ng-kapwa ay makakamit lamang kung makikilahok at makikipamuhay ka sa lipunan. Ngunit bago tayo magpatuloy sa pagtalakay tungkol sa lipunan, mahalagang maunawaan mo ang kahulugan nito. Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay
nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay mayoong kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin o layunin. Halimbawa, ang
pangkat ng mga mamamahayag ay mayroong iisang tunguhin o layuning maghatid ng mga bagong balitang nagaganap sa bansa at maging sa daigdig. Tinitiyak nilang makararating ito
sa mga tao sa iba’t ibang pamamaraan. Ang pangkat ng mga guro ay may iisang layuning magbigay ng kaalaman/edukasyon sa mga mag-aaral. Ang lipunan o pangkat ng mga indibidwal ay patungo sa iisang layunin o tunguhin. Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi naman nito binubura ang indibidwalidad o pagiging katang-tangi ng mga
kasapi. Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan. Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang
ito upang hindi maging sanhi ng kalituhan. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad, mas nabibigyang-halaga ang
natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi. Ang bawat indibidwal ay mayroong kanikaniyang mga layunin o tunguhin sa buhay. Mas magiging madali ang pag-unawa nito gamit
ang halimbawa: Mayroong dalawang guro na nagtuturo sa magkaibang paaralan. Sila ay bahagi ng isang lipunan, isang pangkat ng mga indibidwal na ginagabayan ng isang layunin:
ang magbigay ng edukasyon/kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. Pero walang malalim na ugnayan sa dalawang guro na ito. Limitado ang nalalaman nila tungkol sa isa’t isa. Ngunit
dumating ang pagkakataon na nagsama sila sa isang scholarship at naging malapit na magkaibigan, naging magkumare at nabuo ang mas malalim pa nilang ugnayan. Naniniwala ang isa na may malaking maiaambag ang kaniyang bagong kaibigan para sa paggabay sa kaniyang anak kung kaya niya ito ginawa. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang bahagi ng isang lipunan ang dalawang guro kundi naging bahagi na ng isang komunidad.
Mulat tayo sa isang mundo na KApatid, KAmag-anak, KAklase, KAbabayan at marami pang ibang kasama na naaayon sa lipunang ating ginagalawan. Makikita ito maging sa media. May
mga estasyon sa telebisyon na nagtuturing sa kanilang manonood bilang KApuso, KApamilya, KApatid, at iba pa. Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na The Person and the Common Good (1966), hahanapin talaga ng taong
mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang dahilan.
Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang
perpekto o ganap at dahil likas para sa kanya ang
magbahagi sa kaniyang kapwa ng kaalaman at
pagmamahal. Binigyan ang tao ng kakayahang magwika o magsalita dahil likas na nilikha ng Diyos ang tao na sumalipunan.

Ayon kay Dr. Manuel Dy, hindi gawa ng dalawang tao ang wika; galing ito sa lipunan. Sa pamamagitan ng wika, sumasalipunan ang tao hindi lamang dahil nililikha niya ito kasama ang kaniyang
kapwa kundi dahil natutuhan niya ito mula sa kaniyang kapwa at ginagawa para sa kapwa. Ang kaalaman at pagmamahal ay kapwa maibabahagi lamang sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. Pangalawa, hinahanap ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan. Mahalaga ring makipag-ugnayan siya sa kaniyang kapwa upang matugunan ang pangangailangang ito at
mapunuan ang kaniyang kakulangan. Hindi makakamit ng tao ang kanyang kaganapan kung hindi matutugunan ng lipunan ang kaniyang mga pangangailangan. Hindi lamang ito
materyal na pangangailangan kundi mas higit ang tulong na maaaring maibigay ng lipunan upang magamit natin ang ating isip at kilos-loob at mahubog ang mga birtud. Halimbawa,
upang mapagyaman natin ang ating kaalaman, kailangan ng tao ng edukasyon na naibibigay sa tulong ng mga guro.
Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha. Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan (Dy, M., 1994). Malaki ang magagawa ng lipunan sa paghubog ng iyong pagkatao. Mayroon itong impluwensiya sa paraan ng
iyong pag-iisip at pagkilos. Lahat ng iyong iniisip, nararamdaman, sinasabi at ginagawa ay naiimpluwensiyahan ng lipunan na iyong kinabibilangan. Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng
pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang
tumulong at matulungan sa panahon ng pangangailangan. Naipakikita ang pagmamalasakit na ito sa pagdamay at bukas-palad na pagtulong sa kapwang walang hinihintay na kapalit. Dahil dito, umuusbong ang pagtitiwala sa kapwa na siyang dahilan ng sama-samang pagkilos tungo sa isang mithiin. Nangingibabaw sa pagkakataong ganito na hindi lamang ang personal na kabutihan ng indibidwal ang nilalayon ng lipunan kundi ang kabutihang panlahat. Binubuo ang TAO ng
LIPUNAN. Binubuo ng LIPUNAN angTAO.

Ayon naman kay John Rawls, isang mamimilosopiyang Amerikano, na ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. Hindi ito isang mabilis na proseso at hindi agarang makikita ang katuparan. Katulad ng adhikain ni Mathama Gandhi para sa India, nakita niyang hindi ito magiging madali kaya itinalaga niya ang kaniyang sariling
maging halimbawa ng pagsisimula nito sa kaniyang sarili at ang paunang pakikibaka para sa makatarungang pagbabahagi ng lahat ng bagay na nararapat para sa mga tao. Ang
paksang ito ay mas malalim na tatalakayin sa Modyul 3.
Binibigyang-linaw ding ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, naaayon sa Likas na Batas Moral. Halimbawa, kung mangingibabaw ang kalayaan, lalo
kung hindi niya nauunawaan ang tunay na kahulugan
nito, masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil
mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang
kanyang naisin. Kung mangingibabaw naman ang
pagkakapantay-pantay, maaaring masakripisyo ang kabutihan ng indibidwal (de Torre, J.). Halimbawa, kung may isang tao na nagtrabaho ng labindalawang oras at ang isa naman ay
nagtrabaho ng walong oras, masasakripisyo ang kabutihan ng taong nagtrabaho ng mas mahabang oras kung pantay lamang ang kanilang sahod na matatanggap. Kung magkagayon, hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig kundi ang panlipunan at pagkakapatiran, na palaging nangangailangan ng katarungan. Kaya nga
tungkulin ng lipunang matiyak ang kaayusan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang nakabatay sa katarungan. Sa ganitong paraan makikitang posible ang pagkamit
ng kabutihang panlahat.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
Ang kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento (Compendium of the Social Doctrine of the Church)

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad. Sa dignidad nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at hayaang gamitin ng tao sa lipunan. Upang
maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan. Halimbawa nito ay ang paggamit ng tao ng kaniyang bokasyon tungo sa paglinang ng kaniyang sarili. Gayundin ang protektahan ang kaniyang karapatang kumilos ayon sa dikta ng konsensya. Mas malawak itong tatalakayin sa mga susunod na aralin.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng
pangkat. Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. Karaniwang sinusukat ito halimbawa sa mga pampublikong sistema ng
pangangalaga sa kalusugan; epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad; kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo; makatarungang sistemang legal at pampolitika; malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya. Ang mga nabanggit ay mayroong
malakas na epekto sa kapakanan ng mga kasapi ng pangkat. Mahalagang may mamagitan upang masigurong nakakayanan at nararating ang mga ito ng bawat isa sa lipunan. Kapag nangyayari ito, natutugunan ang tawag ng katarungan o
kapakanang panlipunan ng pangkat.

3. Ang kapayapaan (peace). Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan at kawalang ng kaguluhan. Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad
ng makatarungang kaayusan. Kailangang nabibigyan ng seguridad ang lipunan at ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na pamamaraan. Gayunpaman, may pagkakataong hindi natutugunan ang kabutihan ng lahat kaya’t may mga
pagkilos sa lipunan na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mas nakararami. Kaya sa abot ng makakaya ay sa lahat, ngunit kailangang maunawaan ding may pagkakataong tamang ganapin ang para sa nakararami. Hindi kailangang magresulta ito sa away o gulo at maaari itong daanin sa diyalogo.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagkasilang nariyan na ang pamilyang umaaruga at gumagabay sa kaniyang paglaki. Nariyan din ang kaniyang kapwa, ang paaralan, ang simbahan, ang batas na kaniyang sinusunod na may kani-kaniyang ambag sa paghubog ng iba’t ibang aspekto ng kaniyang pagkatao. Ang tao rin ang bumubuo sa lipunan sapagkat matatagpuan ang mga tao sa bawat bahagi nito.
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
Narito ang ilang nakahahadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. Ang mahalaga sa kaniya ay ang pakinabang na kaniyang makukuha sa kabutihang
panlahat na nagmumula sa malasakit at pagsasakripisyo ng iba. Nakikinabang lamang siya subalit walang ambag o pakinabang na nanggagaling sa kaniya. Halimbawa, ang sapat na suplay ng tubig ay pinakikinabangan ng lahat ng tao. Subalit upang mapanatili ang sapat na suplay ng tubig sa panahon ng tagtuyo, ang mga tao ay kailangang magtipid sa paggamit nito. Hindi lahat ng tao ay nagnanais gawin ito sapagkat ayon sa kanila, habang may taong nagtitipid makikinabang pa rin siya nang hindi nagbabawas ng kaniyang konsumo. Ang nakababahala dito ay kapag dumami ang taong may ganitong pangangatwiran, masisira ang kabutihang panlahat na nakasalalay sa suportang manggagaling sa kanila.

2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Ito ay ang pagnanais ng taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong
ganito na magambala ang kaniyang personal na buhay – nagnanais na “mapag-isa”. Hindi niya pinapakay ang pakinabang mula sa kabutihang hatid ng sakripisyo ng iba
subalit ayaw rin niyang magambala para sa kabutihan ng iba. Sa kulturang ito, mahirap makumbinse ang taong isakripisyo ang kaniyang kaunting kalayaan, personal na hangarin at pansariling interes para sa kapakanan ng “kabutihang panlahat” dahil para sa kaniya, hindi niya kailangang mag-ambag sa kabutihang
panlahat kundi ang manatiling malaya sa pagkamit ng kaniyang personal na kabutihan.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba. Halimbawa, upang
kayanin ng mga mahihirap ang pagbili ng produkto, kailangang tanggapin ng negosyante ang mababang tubo o kita mula sa mga produkto; o ang pangkalusugang seguridad ay maging abot kaya ng lahat, ang health insurance ay may mababang premiums o ang doktor ay tumanggap ng mababang sahod. Ang tingin ng ilan sa ganitong sitwasyon ay hindi makatarungan.

Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay Joseph de Torre (1987) sa kaniyang aklat na Social Morals.
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan. Mahalagang palaging nasa isip ng lahat ang tunay na kahulugan ng kalayaan dahil may panganib na isipin ng ilan na
walang hanggan ang kaniyang kalayaan. Mahalaga ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin at pananaw. Madalas na ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay dahil sa kakulangan ng kakayahang magusap.
Kung hindi mananaig ang pagmamahal at katarungan sa kaniya sa lahat ng pagkakataon, hindi ganap na kakayanin ng sinuman na isantabi sa ilang pagkakataon ang kaniyang pansariling kaligayahan at kapakanan para sa kabutihang panlahat. Ang dalawang pagpapahalagang ito ang susi upang makamit ng lipunan ang kaniyang tunay na layunin at tunguhin.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Hindi magiging ganap ang isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi naigagalang ang kaniyang pangunahing karapatan bilang tao. Ang karapatan ang nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay. Hangga’t nananaig ang diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi pa ganap ang pagsasaalang-alang ng mga tao sa kabutihang panlahat.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan. Ang lipunan ang nararapat na maging isa sa instrumento upang makamit ng tao ang kaniyang kaganapan bilang tao.
Norjana Balindong
.
Norjana Balindong
.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento