Huwebes, Marso 10, 2016

Mapayapang Lipunan

Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa mga organisadong boluntaryong asosayon ng mga tao para sa mga layuning relihiyosokulturalmala-agham, pang-politika, patriyotiko, o ibang pang dahilan. Sosyolohiya ang siyentipikong, o akademikong, pag-aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa yunit ng isang lipunan.
Kahalagahan:
Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. dito rin nila nakikita ang kanilang pangangailangan.




Rauf D. Balt

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento